Friday, November 28, 2014

Alokasyon

Alokasyon- ito ay isang mekanismo ng pamamahagi ng mga pinagkukunang yaman sa iba’t ibang gamit upang sagutin ang mga pangunahing katanungan ng isang lipunan sa suliranin ng kakapusan. Naglalayon na gamitin ang kapos na pinagkukunangyaman ng may kahusayan.



Anong produkto at serbisyo ang dapat gawin?
---tumutukoy ito sa kung gaano karami at anong uri ng produkto at serbisyo ang dapat likhain

Paano iproprodyus ang produkto at serbisyo?
---tumutukoy sa matalinong pagdedesisyon at paghahanap ng mga alternatibong pamamaraan kung paano lilikhain ang produkto at serbisyo

Paano ibabahagi ang kabuuang produksyon o kita?
--- sa bahaging ito ay dapat na maisaalang-alang ang matalinong pamamaraan at batayan sa makatarungang paghahati ng kita ng mga manggagawa at mamumuhunan

Kalian dapat gawin ang produkto at serbisyo?
---dapat magpasya ang bansa kung kailan gagamitin ang ginawang produkto. Para ba ito sa kasalukuyan o sa kinabukasan



Reference: http://ekochaka.blogspot.com/2008/01/alokasyon-ito-ay-isang-mekanismo-ng.html





Kakapusan

KAKAPUSAN

o   Ito ay tumutukoy sa pagakakaroon ng limitasyon o hangganan sa mga produkto na nilikha o lilikhain pa lamang

o   Hindi sapat ang dami sa anumang bagay upang tugunan ang lahat ng pangangailangan

o   Dulot ng walang hanggang pangangailangan sa kabila ng limitadong mapagkukunan ng yaman


BATAYAN NG KAKAPUSAN

o   Walang katapusang pangangailangan para sa mga produkto at serbisyo

o   Limitadong pinagkukunang yaman

BATAYAN NG SULIRANING PANG-EKONOMIYA

o   Kakapusan ang pangunahing dahilan ng pagkakaroon ng suliraning pang-ekonomiya

o   Dalawang suliranin ang kailangang harapin ng isang lipunan…ang suliranin sa produksyon at suliranin sa distribusyon

o   Suliranin sa produksyon – paggawa o paglikha ng mga produkto at serbisyo  na magiging kapakipakinabang sa isang ekonomiya

§  Ano ang gagawing produkto at serbisyo?

§  Paano gagawin ang produkto at serbisyo?

§  Gaano karami ang gagawing produkto at serbisyo?

o   Suliranin sa distribusyon – suliranin sa pamamahagi ng mga bagay bagay sa lahat ng sektor ng ekonomiya

§  Para kanino gagawin ang produkto at serbisyo?

§  Paano ipamamahagi ang produkto at serbisyo?



EPEKTO NG KAKAPUSAN

o   Umiiral ang Batas ng Suplay at Demand

o   Pag-aasahan o pagtutulungan ng mga bansa sa isa’t isa – nagiging dahilan ng pandaigdigang kapatiran

o   Nagbibigay daan sa imbensyon at pagtuklas



KAKULANGAN

o   Pansamantala…ito ay nagaganap kung may pansamantalang pagkukulang ng suplay …ang kalagayang ito ay maaring gawa o likha ng tao, artipisyal.

o   Isang pansamatalang sitwasyon lamang kung saan di sapat ang suplay para sa pangkasalukuyang pangangailangan



Reference: http://economicsmrfab.blogspot.com/2012/09/kakapusan-at-kakulangan.html









Pinagkukunang Yaman

Konsepto ng Pinagkukunang-Yaman

images (2)
 Anumang bagay, may buhay man o wala, ay nagiging pinagkukunang-yaman (resource) sa sandaling mapagtanto ng tao ang kapakinabangan nito upang mapunan ang kanyang pangangailangang pang-ekonomiko.

Pinagkukunang-yaman- tumutukoy sa mga salik ng produksyon bilang mga input (lupa, paggawa, kapital, at entreprenyur) at mga tapos na kalakal at paglilingkod bilang output.





Mga Uri ng Pinagkukunang-Yaman

Yamang Likas – pinaniniwalaang pangunahing pinagmumulan ng yaman at batayan  ng kaunlarang pangkabuhayan ng isang bansa. Ito ay binubuo ng mga yamang lupa, yamang tubig, yamang mineral at yamang gubat.

Yamang Tao – ang tao mismo ang nagtatrabaho at nagpapaunlad sa mga yamang likas

Yamang Kapital (capital resources) – tumutukoy sa lahat ng bagay na ginagamit ng tao upang makabuo ng panibagong produkto


teknik20090724download

Reference : https://billyjawboiles.wordpress.com/2013/04/29/konsepto-ng-pinagkukunang-yaman/