Friday, November 28, 2014

Pinagkukunang Yaman

Konsepto ng Pinagkukunang-Yaman

images (2)
 Anumang bagay, may buhay man o wala, ay nagiging pinagkukunang-yaman (resource) sa sandaling mapagtanto ng tao ang kapakinabangan nito upang mapunan ang kanyang pangangailangang pang-ekonomiko.

Pinagkukunang-yaman- tumutukoy sa mga salik ng produksyon bilang mga input (lupa, paggawa, kapital, at entreprenyur) at mga tapos na kalakal at paglilingkod bilang output.





Mga Uri ng Pinagkukunang-Yaman

Yamang Likas – pinaniniwalaang pangunahing pinagmumulan ng yaman at batayan  ng kaunlarang pangkabuhayan ng isang bansa. Ito ay binubuo ng mga yamang lupa, yamang tubig, yamang mineral at yamang gubat.

Yamang Tao – ang tao mismo ang nagtatrabaho at nagpapaunlad sa mga yamang likas

Yamang Kapital (capital resources) – tumutukoy sa lahat ng bagay na ginagamit ng tao upang makabuo ng panibagong produkto


teknik20090724download

Reference : https://billyjawboiles.wordpress.com/2013/04/29/konsepto-ng-pinagkukunang-yaman/



No comments:

Post a Comment